Friday, October 19, 2007

Quotable Love Quotes...

Grabeh tong mga nagagawa kong Love Quotes sa aking spare time (kahit nasa klase spare time parin) parang galing sa cellphone pero pramis ako gumawa niyan.
  • "I don't know what to do, I don't know what to say, All I know is I love you, I hope you feel the same."
  • Tagalog version: Di alam ang gagawin, Di alam ang sasabihin, Alam ko lang ay mahal kita, Sana'y pareho ng nadarama."
  • Eto raw ang mukhang galing sa cellphone: "Bakit ganun? Hindi ko maintindihan. Bakit hindi ka mawala sa isip ko? Kung mawawala ka man sa isip ko ay nandito ka parin sa puso ko. Ang daya mo! Kailangan muna kitang tanggalin sa puso ko bago ka matanggal sa isip ko, isang bagay na mahirap gawin. Pero may nais akong itanong sayo. Nasa isip mo ba ako at masasaktan ka ba pag tinanggal mo ako sa puso mo?

Ayos ba?

Yun lang muna...

^^

Winnie the Kangaroo?!

Grabeh delayed na naman ang post ko, pero masaya nga ako kasi nakita ko na uli si MAriJuanA at si Winnie the Pooh ko. Sinabi ni Ron sakin the next day na kinuha raw ni max yung keychain ko tapos binigay sa kanya. Tama pala ang naiisip ko? Haha! Ang galing pa nila. Nilalaro raw nila sa classroom si MariJuanA at Winnie the Pooh. Naisip ba naman nila na gawing kangaroo si Winnie the Pooh?! Linagay nila si MAriJuanA sa jar of honey ni Winnie the Pooh, mukha tuloy kangaroo si Winnie the Pooh at anak niya si MAriJuanA. Haha! 9/18/07

Yun lang muna...

^^

Wednesday, October 17, 2007

Keychain ku!!!!!

Saya na sana ng araw ko. Maaga uwian, kaunti lang ang dalahin, may pagkain sa bahay, ayos na sana lahat kaso nung pauwi ako... NAWALA KEYCHAIN KO! Amf. Nawala nga kaya o baka ninakaw na naman nila max tapos ibabalik bukas? Sa tingin ko nawala eh, dun siguro sa elevator sa shang, dami kasi sumakay nung sumakay din kami eh. Ang cute pa naman nung bear ko na si MAriJuanA at yung isa ko pang stuff toy na Winnie the Pooh. Kabadtrip!

Yung lang muna...

^^

Tuesday, October 16, 2007

Wooh!

Grabeh ang sakit ng ulo ko kaninang umaga, sobrang inaantok ako nung patapos na yung math. Hanggang English (before lunch) masakit ulo ko, quiz pa naman. Pupunta na sana ako ng clinic kaso pagkakain ko ng lunch nawala, haha. Kulang sa pagkain ata. Haha! Kaya noong Filipino (after lunch) hyper ako, todo recite ako kasi wala na ang sakit ng ulo ko. Tapos music pa ang kasunod eh absent si ser Barte kaya free time kami kay ser Estreja. Haha! Gumanda tuloy ang araw ko.

Yun lang muna.....

^^

Tuesday, October 9, 2007

"Patrick..."

Ako si Patrick B. Aguilar. Tawag ng mga kaclose ko ay Pat, Patz o Master Patz. Pero iba talaga pag tinatawag ako sa first name. Lalo na kapag "siya" ang tumatawag sakin. Sarap sa pandinig. Iba talaga kapag first name ang tawag niya. Parang mas malapit kami sa isa't-isa.

Shet! Mahal ko na siya talaga! Sana mahal niya rin ako...

Yun lang muna...

^^

Wednesday, October 3, 2007

Salamat...

Hmmm... Salamat... Ano nga ba ang salamat? Diba nagpapasalamat tayo kapag may tumutulong sa atin o may binibigay sa atin o may gumagawa sa atin ng mabuti? Mabuti naman ang ginawa ko ah! So deserving ako sa salamat niya? Kaso minsan kulang din pala ang simpleng salamat... kulang... 10/02/07

Yun lang muna...

^^

Delayed!

Hay delayed ang post ko sa dami ng ginagawa ko.. Post ko lang na namatay si lolo, Sept. 30, 2007. Para alam ko kung kailan...

Yun lang muna...