Wednesday, July 16, 2008

Make me happy then kill me suddenly...

Saya kahapon kahit nalate ang happy time ko. Paparating pa lang siya nakita niya ako at tiningnan niya ako kaya pagdaan niya binati ko siya at isang pacute na ngiti ang binigay niya sa akin (at kapag sinabi kong nagpacute siya ay cute talaga). So mula after lunch hyped na hype ako tapos nakita ko siya uli at ako naman ang nagpacute. Nakangiti naman siyang sumagot sa lahat ng pagpapacute ko at mga kalokohang pinagsasabi ko. Kahit nasira ang MRT at napilitan akong magbus at nahirapan akong maghanap ng masasakyang jeep, naging masaya pa rin ako dahil sa kanyang magandang ngiti.

Pero kung gaano kasaya ako kahapon, ganun naman ako kalungkot ngayon. Ilang beses kami nagkita, dalawang beses kami nagkalapit, isang beses niya akong di pinansin, isang beses niya akong pinansin na walang emosyon, di mabilang na beses na kami'y nagtinginan. Pangtinginan nga lang yata ako, yun na lang yata magagawa ko, hanggang tingin na lang, badtrip..

Nakatadhana na yata na panandalian lang ako maging masaya..

Monday, July 14, 2008

Gwapo raw oh! (Kabaliw haha!)

Gulat ako kanina, haha. Napadaan ako tas nakita ko siya nakaglasses. Ang unang pumasok sa isip ko ay siya ba talaga yun? Paglabas niya, siya nga! Binati ko siya at tinanong kung bakit siya nagsuot ng glasses at ito ang MALUPIT niyang sagot: siyempre, para makita ko ang kagwapuhan mo. Nakangiti na ako nung kinausap ko siya pero lalo akong napangiti sa sagot niya. Kakaiba talaga siya. Alam niya kung ano ang dapat sabihin para mapasaya ako kaya mahal na mahal ko siya. Yan tuloy, hyped na hyped ako mula recess, haha. Mahal ko na siya talaga.

Ü

Saturday, July 5, 2008

Loves ko toh!

Kaya mo bang kumain ng sili na hindi sinasabing maanghang ito? Kakayanin ko kung may magandang rason. Katulad na lang kapag ayaw mong makasakit ng iba, kahit masakit ito para sayo ay hindi mo pa rin ito sasabihin dahil alam mong malaking gulo ito. Hindi ko masabi na mahal ko siya dahil alam kong may iba na siyang minamahal.

Malapit na akong barilin sa Bagumbayan sa pagiging martyr ko...

Anyway, masaya pa rin ako dahil nakita ko siya kahapon at di tulad ng ibang pagkakataon ko dati, binati ko siya ngayon. Ako ba toh? Pagkabati ko sa kanya ay ngumiti naman siya. Solve solve na ako, haha. Kakausapin ko pa siya pero umurong na naman dila ko. Ako nga talaga toh. Torpe pa rin, damn. Pero ayos lang dahil ngumiti naman siya sa akin at sapat na iyon para mapasaya na ako. Sa sobrang saya ko na rin siguro kaya nanalo kami kahapon sa Dota. Ang lakas ng strygwyr ko, inspired?

Ngayon naman happy pa rin. Kahit talo ngayon, ok lang kasi may di inaasahang pangyayari nang pauwi na ako. Nakita ko ang dati kong love. Tumaba siya, siguro depressed siya dahil di na niya ako nakikita, haha, pero di niya ako nakita kanina. Maganda pa rin siya ngayon kahit medyo chubby na siya. Sa totoo nga, kamukha na niya ang Love ko ngayon (yung nasa previous paragraph). Kung di ako mamahalin ni Love, mukhang siya na lang kasi may history rin naman kami.

Gabay:
"Love" - present, yung may "favorite smile" ko na lagi kong tinutukoy sa karamihan ng post ko
"love" - yung dati kong love na pwede na ring tawaging "ex" na ngayon ko lang sinama sa mga post ko

Ü

Wednesday, July 2, 2008

Thank You Lord!

Totoo ngang may Diyos tayo at marunong Siyang makinig at tunay na makapangyarihan Siya. Tinupad na Niya kahit papaano ang kahilingan ko. Pinansin na ako ulit ng pinakamamahal ko. Nakangiti uli siya sa akin. Ang lakas talaga ni Lord!

Kahapon pa dapat ako magpopost kaso marami akong ginagawa kahapon. Nginitian niya kasi ako kahapon pero mas maganda talaga yung ngayon. Kakaiba, kung sana inakbayan niya man lang ako habang kinakausap ako. Pero pwede nang pagtiyagaan ang ngiti niya. Di ko pa rin talaga alam kung paano niya ako napapasaya sa isang simpleng ngiti pero siguro ay dapat na lang akong matuwa dahil pinapansin na niya ako uli. Thank you Lord! Bumabawi na uli ang blog ko sa ika-26 na post ko.

Ü