Saturday, September 20, 2008

26th of August

Matagal-tagal na rin akong di nakakapagpost. Isa na namang delayed post. December 26th pa dapat toh (obviously). Galing galing ko talaga. Advanced ang happy birthday ko sa kanya tapos belated ang gift ko. Ayos lang, natuwa naman siya ehhhh. Thank you sabay smile, pwede na. Parang di siya deserving sa gift ko kasi parang ang cheap. Sa tingin ko cheap. Anyway, nagkasabay pa kami pauwi. Ayos sana eh, usap kami sandali tapos tinanong niya kung saan ako papunta. Sinabi ko kung saan tapos sinabi niya naman na magpupunta pa siya sa banko. Tapos nun wala na, dead air. Di ko talaga siya makausap. Badtrip, ang torpe ko. Pero nung malapit na kami sa banko at malapit na kaming maghiwalay nakapagpaalam naman ako sa kanya at ngumiti naman siya at nagpaalam din sakin. Pwede na, at yun ang katapusan ng napakaganda kong araw.