Bigayan na ng report card! What?! Ang baba ng grades ko! Bakit?! Ginagawa ko naman lahat ng gawain ko ahhhhh. Nagpapasa naman ako ng projects at homework. Matataas rin naman ang scores ko sa quizzes, unit test at periodical test ahhhhh! Dinadaya naman ako masyado ng mga teacher na toh...
Bahala na! Mag-aayos ako ngayong second term!
Yun lang muna...
^^
Friday, September 28, 2007
Monday, September 24, 2007
Happy / Senti, Pwede Ba Yun?
Happy ako pero senti rin. Gulo noh? Happy ako dahil... Di ko pwedeng sabihin ehhhhh. Pero senti ako kasi may nakita akong magandang chick. Ano nakakalungkot dun? Wait lang. So nakita ko nga. Nagkatinginan. Feel ko naman may gusto rin. Sabayan ba naman ako sa jeep? So naisip ko hihingin ko na ung number, kaso naisip ko rin na di ko pala dala cell ko. Hay. Bakit ngayon pa? So senti na ako sa bahay... Tapos dun ko lang narealize na pwede nga namang kumuha ako ng papel at dun ko sinulat. Lalo akong naghinayang, the end.
Moral of the story? Mahirap pala mag-isip pag nalove-at-first-sight at laging dalhin ang cellphone.
Yun lang muna...
^^
Moral of the story? Mahirap pala mag-isip pag nalove-at-first-sight at laging dalhin ang cellphone.
Yun lang muna...
^^
Friday, September 21, 2007
Intrams.....
Intrams 07 - 08... Ayos lang naman. Di ko lang trip na maglaro. Di ako nakasali sa food relay, third lang tuloy kami. Hehe. Nasali ako sa kontrobersyal na ihip gawgaw. First tuloy kami dun kaso nga kontrobersyal dahil dinaya raw namin yung ibang section. Excuses? Joke.
Tinatamad lang ako maglaro pero sa totoo kaya kong salihan lahat ng game na yun kung pwede lang. Tiau gets mo? Haha!
Yun lang muna...
^^
Tinatamad lang ako maglaro pero sa totoo kaya kong salihan lahat ng game na yun kung pwede lang. Tiau gets mo? Haha!
Yun lang muna...
^^
Friday, September 14, 2007
Costume Party?
Ang HS department ay nakacostume buong araw bilang pakikiisa sa selebrasyon ng buwan ng humanidades, ang buwan ng mga asignaturang Filipino, English at AP. Lahat ay naatasang magsuot ng costume ayon sa pinapag-aralan nila sa Araling Panlipunan kaya ang susuutin naming mga 3rd year ay katulad ng kasuotan ng mga sikat na tao noon, tulad nila Julius Caesar, Che Guevarra, Adolf Hitler at marami pang iba.
Ako ay nagsuot ng costume ni Hannibal Barca. Ang hirap ng suot ko kaya buong araw ay nakapula lang ako dahil tinanggal ko ang gintong armor ko. Kapag may nagtatanong sakin kung ano ang costume ko, ang sinasabi ko ako si panday.

Monday, September 10, 2007
Pasira!
Pangit ng araw ko... Walang hiya pinag-push-up kami ng isang daan. Madali lang sana kasi bente-bente lang pero di ko alam na ang epekto pala nun ay pagkatapos. Biglang sumakit hita ko sa unang hakbang. Tapos hapon naman. Electronics kami. Badtrip. Napaso ako sa soldering iron. Sino tanga? Syempre yung soldering iron. Haha.
Yun lang muna...
^^
Yun lang muna...
^^
Sunday, September 9, 2007
School Requirements - Bullshit!
Sunday... Badtrip di ko mafeel ang Sunday ko. Kakatapos lang ng exams sabay ganito, maraming pag-iisipan. Saan kaya ako makakahanap ng costume na Hannibal Barca? Paano namin gagawin yung panel discussion? Itatype ko pa yung reaction paper ko...
Hay... Sana matapos na... Buti nalang malapit na pasko! 107 days nalang before Christmas! Haha!
Yun lang muna...
^^
Hay... Sana matapos na... Buti nalang malapit na pasko! 107 days nalang before Christmas! Haha!
Yun lang muna...
^^
Friday, September 7, 2007
Tapos na exams!
Yahoo! Tapos na exams... Di naman ako nahirapan eh... Medyo lang naman...
As usual, di ako umuuwi agad. Dota muna sa b_conn o libot sa shang. Nagdota nga kami at hindi ako natalo kahit isang beses. Triple kill pa sa second game, haha! First triple kill ko na hindi AI ang kalaban. Tapos nun uwian na...

Subscribe to:
Comments (Atom)