Friday, September 14, 2007

Costume Party?

Ang HS department ay nakacostume buong araw bilang pakikiisa sa selebrasyon ng buwan ng humanidades, ang buwan ng mga asignaturang Filipino, English at AP. Lahat ay naatasang magsuot ng costume ayon sa pinapag-aralan nila sa Araling Panlipunan kaya ang susuutin naming mga 3rd year ay katulad ng kasuotan ng mga sikat na tao noon, tulad nila Julius Caesar, Che Guevarra, Adolf Hitler at marami pang iba.

Ako ay nagsuot ng costume ni Hannibal Barca. Ang hirap ng suot ko kaya buong araw ay nakapula lang ako dahil tinanggal ko ang gintong armor ko. Kapag may nagtatanong sakin kung ano ang costume ko, ang sinasabi ko ako si panday.

Yun lang muna...

^^

No comments: