Wednesday, August 6, 2008
Messed Up Chances...
Hayun, katangahan kahapon. Di lang naman isang beses nangyari toh. Ilang beses ko nang gustong sabihin na napakaganda niya ngunit lagi kong nakakalimutan. Alam ko na talaga ang sasabihin ko pero nakakalimutan ko talaga lagi ang huli at napakalupit na linyang iyon. Tulad kahapon, pero nasira kasi ang dialogue na nabuo sa isip ko. Dahil siguro doon kaya di ko na nasabing napakaganda niya, di man lang ako nakapagpaalam dahil talagang nasira ang plano ko. Di ko akalaing masisira ng isang salita (pangalan pa nga eh) ang mga linyang naisip ko. Marahil isa pang dahilan kung bakit nakakalimutan ko ang mga sasabihin ko ay dahil natatameme ako sa ganda niya. Ang dami ko ng nasayang na pagkakataon, kung di man ako nakakalimot ay umiiral naman ang katorpehan ko. Siguro isang araw masasabi ko rin na napakaganda mo. At sana, isang araw rin ay masabi ko na kung gaano kita kamahal at sana mapatawad mo ako kung minahal kita agad, kung minahal kita ng di ko sinasabi dahil alam kong kapag sinabi ko ito ay maaaring di mo na ako pansinin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment