Monday, November 19, 2007

Hurt ako... Ouch...

Ang hirap... Umuwi ako masakit ang katawan ko. Siguro nakuha ko ito sa basketball. Lahat kami napagod at inaantok sa next subject. Dami masakit sakin. Ang sakit ng panga ko sa di malamang kadahilanan, masakit ang katawan ko, masakit ang ulo ko. Sa tingin ko ay nakikisama lang sila sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Napakasakit talaga ng pagbalewala niya sa lahat ng pagpapapansin ko...

Tuesday, November 13, 2007

"Fairy Tale"

Ikaw ang prinsesa ng aking mundo. Hindi mo lang alam kung gaano ka kahalaga sa akin. Napakalakas mo dahil ikaw lang ang nakakapagpangiti sakin kapag ako'y nalulungkot. Ngunit kahit may taglay kang kapangyarihang tulad nito ay dapat pa rin kitang bantayan. Ito ay aking tungkulin bilang isa sa iyong kawal. Kahit hindi ako ang iyong prinsipe ay lagi lang akong nasa tabi mo, lagi kang babantayan at laging handa kang tulungan. Ngunit hindi mo ako pinapansin, hindi mo alam na ang lahat ng ito ay ginagawa ko para mapansin mo, mapangiti ka, kahit kaunti lang, kahit sandali lang. Sa tingin ko ang isang kawal na tulad ko ay mananatiling isang kawal nalang panghabang-buhay. Sinubukan na kitang kalimutan upang hindi na ako masaktan ngunit napakahirap nitong gawin dahil araw-araw kitang nakikita. Aasa nalang ako na sa susunod na mga araw ay matututunan mo rin akong mahalin, kung hindi naman ay aasa nalang ako na matututunan din kitang kalimutan.

Hindi pa tapos ang aking kwento. Hindi ko pa alam ang magiging katapusan nito pero umaasa ako na magkakaroon ng happy ending ang istorya namin...

"Sa iyo ang mundo ko ay umiikot. Sa iyo ako ay lumiligaya. Ngunit hindi ko akalaing sa iyo ako ay masasaktan ng lubusan..."

Friday, November 2, 2007

Kung alam niya lang...

Wow! Tagal ko na ring di nakakapagpost ah. Um, it's 2:00 in the morning... Bakit kaya alive na alive pa rin ako? Tapos bukas niyan bangag na bangag na ako. Pero tama na ang patawa. Linoloko ko lang talaga ang sarili ko. Tinatago ko lang ang lungkot ko nitong mga nakaraang araw. Nalulungkot ako kasi hindi niya ako pinapansin. Pero sa tingin ko ay kasalanan ko kaya hindi niya ako pinapansin (dahil dati ay di ko rin siya pinapansin pero di niya alam na kaya ko ginagawa yun ay para labanan at pigilan ang nadarama ko sa kanya). Hay... Ang dami ko pa namang binago sa sarili ko dahil sa kanya. Masarap nga ma-in love pero mahirap masaktan o mareject. Dahil nalulungkot ako sa mga nangyayari ay nagpapakasenti ako most of the time. Naliligo sa tubig na ubod ng lamig, nagpupuyat, hindi kumakain, super depressed...dahil lang sa kanya...

"Kung hindi man tayo hanggang dulo, huwag mong kalimutan nandito lang ako, laging umaalalay, hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw..."

Yun lang muna...