Ang sakit ng braso ko, damn. Hirap naman magtype. Tatlumpung push-up, badtrip, GG talaga. Kakayanin pa rin para makapasok sa varsity, haha.
Sayang di pa nataon sa 24th post. Elated? Wow, english (burger burger!).
Saya ko pa naman ngayon, haha. Di halata noh? Slight lang. Simple lang naman kinasaya ko eh. Nakita niya ako, nginitian niya ako, nginitian ko rin siya (bigla tuloy lumabas ang "the moves" ko). Live happily ever after, for now, haha.
Ü
Wednesday, June 25, 2008
Wednesday, June 18, 2008
Paking Shet! (So Frustrated)
Ngayon pa talaga nataon ang 24th post ko..
Ngayon alam ko nang di niya talaga ako gusto. Sa nakalipas na dalawang araw, nakita ko siya habang nagtatrabaho ako. Sa unang araw, ayos nalapitan ko siya. Ayos na sana kaso umasa akong kakausapin niya ako pero wala siyang sinabi sakin kahit isang salita man lang. Kahapon naman, di ako nagtrabaho agad pero nakita ko siya kaso parang wala lang nung nagkatinginan kami. At kanina naman ang pinakamasaklap, parang di niya talaga ako nakikita. Sapat na ang mga sinabi niya para maisip ko na wala nga talaga akong halaga para sa kanya. Parang hindi niya talaga ako nakikita o baka nakita niya talaga pero iniiwasan niya ako. Ayoko nang ipagpatuloy pa. Napakaganda ng naging 24th post ko. Sana bukas magbago na ang lahat. Ayoko na..
"I shouldn't have given anything, I should've expected nothing.."

Friday, June 13, 2008
Friday The 13th...
Madaling sabihin, mahirap gawin. Tama nga. Hindi ko magawa ang sinabi ko. Napakahirap limutin siya at isiping magpaalam. Di ko mapigilang tingnan siya tuwing nandyan siya. Para nga naman kasing walang araw na di ko siya hinahanap. Tuwing nakikita ko naman siya ay makailang beses akong sumusulyap at kung mahuli man niya ako ay wala na akong pakialam, basta ang importante ay makita ko siya. Friday the 13th nga pala ngayon. Malas ng araw ko dahil iniiwasan ko pa rin siya at di niya rin naman ako pinapansin. Malas talaga, nakakawala ng pag-asa. Pero swerte lang ay noong napatingin ako sa kanya at sa halip na mahuli ako ay siya ang nakita kong nakatingin sa akin. Ngunit malungkot pa rin ako dahil di na katulad ng dati na nakakausap ko siya at natutuwa siya sa akin. Ngayon ay dinadaanan na lang namin ang isa't isa, di nagpapansinan, parang di magkakilala.
*My 23rd post, wow, really made my day...
*My 23rd post, wow, really made my day...
Tuesday, June 10, 2008
Last First Day...
First day na naman. Di ako masaya, di ako excited. Parang umaga pa lang alam ko nang di mangyayari ang inaasahan ko. Kalokohan. Nakakabadtrip. Unang araw pa lang may homework na. Bawal pang iwan ang libro sa classroom. Ok lang sana lahat ng yun kung nangyari ang inaasahan ko. Eh kaso hindi. Di talaga laging storybook happy ending ang buhay. O baka hindi pa ito ang end? Kaso may nabasa ako na labis kong kinainis. Mukhang wala na ngang pag-asa. Mukhang kailangan ko na talagang magpaalam sa kanya. Mukhang the end na nga. Pero ang sama ng ending. Sana nga makahanap ako ng panahon para makapagpaalam sa kanya at kung dumating man yun ay maayos kong masabi ang mga dapat sabihin at kung hawakan niya man ang kamay ko ay maayos ko itong mapakawalan. Damn. Sana matapos na ang taong ito. At sana makahanap ako ng makakapantay sa kanya...
Wednesday, June 4, 2008
Missing You..
Namimiss ko pa rin siya.. Pero di ko naman inaasahan na makikita ko siya uli. Nakita ko siya noong Lunes. Di ko talaga inaasahang makikita ko siya doon kaya hindi ko pinaghandaan ang isusuot ko kaya nagulat na lang ako nang makita ko siya at magkapareho pa ang kulay ng suot naming damit. Iba nga naman maglaro ang tadhana. Di lang yun ang unang beses na nagkapareho kami ng kulay ng suot na damit. Pero di pa rin sigurado kung kami nga ang itinadhana para sa isa't isa. Pero siyempre matutuwa ako kung kami nga..
Brought together by chance, separated by circumstance..
Fate keeps us together but destiny sees us apart..
Still, I want to see you again..
Brought together by chance, separated by circumstance..
Fate keeps us together but destiny sees us apart..
Still, I want to see you again..
Subscribe to:
Comments (Atom)