Madaling sabihin, mahirap gawin. Tama nga. Hindi ko magawa ang sinabi ko. Napakahirap limutin siya at isiping magpaalam. Di ko mapigilang tingnan siya tuwing nandyan siya. Para nga naman kasing walang araw na di ko siya hinahanap. Tuwing nakikita ko naman siya ay makailang beses akong sumusulyap at kung mahuli man niya ako ay wala na akong pakialam, basta ang importante ay makita ko siya. Friday the 13th nga pala ngayon. Malas ng araw ko dahil iniiwasan ko pa rin siya at di niya rin naman ako pinapansin. Malas talaga, nakakawala ng pag-asa. Pero swerte lang ay noong napatingin ako sa kanya at sa halip na mahuli ako ay siya ang nakita kong nakatingin sa akin. Ngunit malungkot pa rin ako dahil di na katulad ng dati na nakakausap ko siya at natutuwa siya sa akin. Ngayon ay dinadaanan na lang namin ang isa't isa, di nagpapansinan, parang di magkakilala.
*My 23rd post, wow, really made my day...
Friday, June 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment