Wednesday, June 18, 2008

Paking Shet! (So Frustrated)

Ngayon pa talaga nataon ang 24th post ko..

Ngayon alam ko nang di niya talaga ako gusto. Sa nakalipas na dalawang araw, nakita ko siya habang nagtatrabaho ako. Sa unang araw, ayos nalapitan ko siya. Ayos na sana kaso umasa akong kakausapin niya ako pero wala siyang sinabi sakin kahit isang salita man lang. Kahapon naman, di ako nagtrabaho agad pero nakita ko siya kaso parang wala lang nung nagkatinginan kami. At kanina naman ang pinakamasaklap, parang di niya talaga ako nakikita. Sapat na ang mga sinabi niya para maisip ko na wala nga talaga akong halaga para sa kanya. Parang hindi niya talaga ako nakikita o baka nakita niya talaga pero iniiwasan niya ako. Ayoko nang ipagpatuloy pa. Napakaganda ng naging 24th post ko. Sana bukas magbago na ang lahat. Ayoko na..

"I shouldn't have given anything, I should've expected nothing.."

No comments: