Tuesday, June 10, 2008

Last First Day...

First day na naman. Di ako masaya, di ako excited. Parang umaga pa lang alam ko nang di mangyayari ang inaasahan ko. Kalokohan. Nakakabadtrip. Unang araw pa lang may homework na. Bawal pang iwan ang libro sa classroom. Ok lang sana lahat ng yun kung nangyari ang inaasahan ko. Eh kaso hindi. Di talaga laging storybook happy ending ang buhay. O baka hindi pa ito ang end? Kaso may nabasa ako na labis kong kinainis. Mukhang wala na ngang pag-asa. Mukhang kailangan ko na talagang magpaalam sa kanya. Mukhang the end na nga. Pero ang sama ng ending. Sana nga makahanap ako ng panahon para makapagpaalam sa kanya at kung dumating man yun ay maayos kong masabi ang mga dapat sabihin at kung hawakan niya man ang kamay ko ay maayos ko itong mapakawalan. Damn. Sana matapos na ang taong ito. At sana makahanap ako ng makakapantay sa kanya...

No comments: